Matagumpay na naisagawa ng Philippine Air Force (PAF) at ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management ang cloud seeding operations sa bahagi ng Magat Dam sa Isabela.
Batay sa ulat ng Air Force, bukod sa nakapag-ambag ang cloud seeding operations sa pagpapataas ng lebel ng tubig sa naturang dam, naibsan din nito ang pagkatuyot ng mga lupang sakahan malapit dito.
Nabatid na matagal-tagal na ring tuyot ang mga lupain malapit sa dam dahil na rin sa epekto ng El Niño Phenomenon na siyang nakaaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.
Katuwang ng Air Force at Bureau of Soils ang National Irrigation Administration (NIA) at Magat River Integrated Irrigation System.
