Aabot pa sa 1,821 pamilya o mahigit 5,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa epekto ng bagyong Luis at patuloy na pag-ulan.
Bukod dito, nasa 200 pamilya naman ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Patuloy naman ang relief operations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.
Sa Davao City, nasa 4,000 pamilyang apektado ng pagbaha sa Barangay Los Amigos ang target bigyan ng family food packs (FFPs).
Sinimulan nitong Martes, August 4, ang pamamahagi ng 2,000 FFPs, habang isa pang 2,000 food packs ang nakatakdang ipamahagi ngayong Miyerkules, August 5.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan para matukoy at maabutan ng tulong ang iba pang mga pamilyang nangangailangan.
📸 DSWD

