Suportado rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin ang value-added tax (VAT) at system loss charges sa singil sa kuryente.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, makatuwiran ang panukala dahil hindi na dapat pinapasan pa ito ng consumer.
Gayunman, sinabi ni Mendoza na nakadepende sa Kongreso ang panukala dahil kinakailangan itong maipatupad sa pamamagitan ng batas.
Samantala, nilinaw ng BIR na mayroon na itong umiiral na polisiya para sa ilang government-mandated charges sa sektor ng kuryente.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 60-2026, nakasaad na hindi dapat saklaw ng VAT at creditable withholding tax ang Lifeline Subsidy at Green Energy Auction Allowance (GEA-All).