Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas sa imbentaryo ng bigas sa bansa nitong Hulyo.
Ayon sa PSA, umabot sa tinatayang 2.51 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory sa bansa as of July 1, 2026
Mas mataas ito ng 6.8% kumpara sa 2.35MMT na rice stocks inventory noong June 2026.
Gayunman, mas mababa ito ng 10.1% kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabuuang rice stocks inventory ngayong Hulyo, 47.7% ay nasa commercial sector, 39% sa households, at 13.3% sa NFA depositories.