Bumuo na ng Social Welfare and Development (SWAD) Team ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol para tumulong sa paglilikas ng mga residenteng nasa danger zone ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng pagputok ng bulkan kahapon ng tanghali, October 30.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, tinatayang 200 pamilya sa Camalig, Albay ang maaapektuhan ng evacuation.
Naglagay na rin ng 46 na modular tents sa Camalig Bungkaras Evacuation Center.
Nakahanda rin ang DSWD na magbigay ng relief goods at psychosocial assistance. Mayroon ding mahigit 417 libong family food packs na nakahanda ang DSWD Bicol para sa mga apektadong pamilya.