Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na huwag magparada sa mga ipinagbabawal na lugar upang maiwasan ang aberya at multa ngayong Undas.
Ginawa ng MMDA ang pahayag kasabay ng pinaigting na road clearing operations sa mga alternatibong ruta ng bus at terminal sa Quezon City bilang bahagi ng Oplan Undas.
Kabilang sa mga kalsadang nilinis ang New York Avenue, P.A. Bernardo, C. Benitez, Mayor I.S. Diaz, EDSA McArthur, Montreal, 15th Avenue, Ermin Garcia, F. Manalo, Denver at Monte de Piedad.
Nakapagtala ang operasyon ng 54 apprehensions at 19 na sasakyan o sagabal sa kalsada ang na-tow. Layunin nitong matiyak ang maluwag na kalsada at ligtas na biyahe ng mga pasahero ngayong Undas.