Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 7 na lindol
Isang magnitude 7 na lindol ang tumama ngayong tanghali sa bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol bandang 12:13 PM sa layong 258 kilometro timog-silangan ng naturang bayan.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 10 kilometro mula sa lupa.
Dahil dito, naitala ang Instrumental Intensity 5 sa Sarangani, Davao Occidental.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang PHIVOLCS kasunod ng lindol.
Kaugnay nito, batay rin sa parameters ng ahensya, walang anumang banta ng mapanirang tsunami ang inaasahan kasunod ng lindol.
