Suportado ng grupo ng mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philipines (AFP) ang posisyon ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Ito’y makaraang manawagan si Teodoro sa mga opisyal ng bansa na kumikiling sa China sa isyu ng West Philippine Sea na magbitiw na lang sa puwesto o di kaya’y kuwestyunin sa Korte Suprema ang Administrative Order No. 29
Ayon sa Association of Generals and Flag Officers Incorporated (AGFO), dapat isaalang-alang ng mga opisyal ng bansa ang paninindigan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippne Sea.
Pinaalalahanan din naman nito ang mga aktibong opisyal at Sundalo na italaga ang sarili sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa nang may integridad.
Malinaw anila ang mandato ng mga ito na protektahan ang estado at tiyakin ang pambansang seguridad.
Nagpaalala rin ang AGFO sa media na ilagay sa ligal na konteksto ang kanilang pag-uulat at komentaryo gayundin ay iwasan ang mga pinaikling headline na nagpapabago sa tunay na pakahulugan ng mga pahayag na nagreresulta sa kalituhan.