Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12322 na nagbibigay sa Department of Education (DepEd) ng mas malawak na kakayahan na tukuyin ang angkop at pinakamabisang pamamaraan ng pagtuturo para sa basic education curriculum.
Nilagdaan noong Agosto 2, 2026, inaamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na flexibility sa DepEd sa pagpili ng mga pedagogical approach na ipatutupad sa mga paaralan.
Inaatasan din ng Republic Act No. 12322 ang DepEd na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa basic education curriculum kada limang taon upang matiyak na nananatiling angkop, napapanahon, at epektibo ito para sa mga mag-aaral.