Binigyang-diin ng Malacañang na hindi ninanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi maging maganda ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa gitna ng nagaganap na palitan ng mga pahayag sa kasalukuyan sa pagitan ng China partikular ng Chinese Embassy at ng ilan na ding mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Castro, nananatili ang tindig ng Punong Ehekutibo na daanin sa diplomasyang pamamaraan ang pakikipag- usap sa China.
Ganunpaman, patuloy pa din aniyang igigiit ng Administrasyon at ni Pangulong Marcos mismo ang interes sa West Philippine sea at sa teritoryo ng bansa.
Dagdag ni Castro na magkaiba ang relasyon ng Pilipinas sa China pagdating sa trade and investment at iba ang usapin kung pag- uusapan ay interes teritoryo.