Isa nang ganap na batas ang Republic Act No. 12322 o ang batas na nagbibigay pahintulot sa Department of Education (DepEd) sa pagtukoy ng angkop na paraan ng pagtuturo sa mga estudyante.
Ang hakbang na ito ay para sa ganap na pagkatuto ng mga bata mula sa basic education curriculum.
Sa ilalim ng batas, minamandato ang komprehensibong curriculum review kada limang taon.
Ito ay upang masiguro ang pagiging epektibo at napapanahon ng mga aralin ng mga mag-aaral.
Binibigyang-diin sa batas na ang curriculum, dapat ipinapatupad sa pamamagitan ng pinaka-epektibong paraan, upang masiguro ang ganap na pagkatuto ng mga bata sa mga itinakdang kaalaman at abilidad para sa bawat lebel.
Nag-lapse into law ang batas, ikalawa ng Agosto, 2026.