Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi red-tagging o pag-aakusa ang kaniyang naging hamon sa mga opisyal ng bansa na hindi tumitindig para sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Sa isang pahayag, sinabi ni Teodoro na gumagamit ang kagawaran ng isang makatarungan at “objective criteria” sa mga kasong may kinalaman sa reputasyon ng mamamamayan.
Giit ng Kalihim, simple lamang ang pamantayan sa pagkakataong ito, may mga opisyal na hindi kumikilala sa nilalaman ng AO29 na nagtatakda ng nautical chart sa Bajo de Masinloc o di kaya’y tumututol dito.
Ginawa ni Teooro ang pahayag matapos siyang hamunin ni Vice President Sara Duterte na pangalanan ang mga opisyal ng bansa na kumikiling sa China sa usapin ng WPS
Magugunitang hinamon ng kalihim ang Pro-China officials ng Pilipinas na kuwestyunin sa Korte Suprema ang ipinatutupad na AO29 na nagtataguyod sa WPS o magbitiw na lamang sa puwesto kung hindi kayang tindigan ito.