Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol
Patuloy na pinaiigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa pamamagitan ng Catanduanes Provincial Office, ang pagpapatupad ng labor laws at occupational safety and health (OSH) standards sa mga high-risk industry sa rehiyon.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng multi-agency High Impact, High Visibility Inspection and Monitoring (HIHVIM) sa isang proyekto ng pagpapatayo ng ospital sa Virac, Catanduanes, na may temang “Building Compliance, Protecting Workers”.
Nakiisa sa inspeksyon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang DPWH, ECC, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, BFP, DOH, PIA, LGU-Virac, at Barangay OSH Patrollers upang tiyakin ang pagsunod sa labor standards, OSH requirements, social protection laws, at iba pang regulasyon sa konstruksyon.
Matapos ang inspeksyon, nagbigay ang mga ahensya ng kanilang mga obserbasyon, rekomendasyon, at mga kinakailangang corrective measures upang mapanatili ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng mga manggagawa sa construction industry.