Kasunod ng mga pag-ulan nitong nakalipas na araw, tuloy-tuloy na tumaas ang lebel ng tubig sa Magat Dam sa Isabela ayon yan sa National Irrigation Administration (NIA).
Sa monitoring ng ahensya, umabot na sa 166.44 meters ang water elevation ng Magat Dam nitong August 6, na mas mataas na ito sa 160 meters above sea level (masl) critical water level.
Ayon sa NIA, nakatulong ang cloud seeding operations ng Philippine Air Force, katuwang ang NIA at iba pang ahensya, para mapataas ang water level at mapanatili ang suplay ng tubig para sa mga magsasaka.
Dahil dito, libo-libong ektarya ng mga taniman ng palay at mais ang naiwasang maapektuhan ng kakulangan sa tubig.