Pinarangalan ng Taguig City Government ang Maharlika Investment Corporation (MIC) bilang isa sa Top 100 Taxpayers ng lungsod. Ang pagkilala ay ginawa sa “Taguig City Beacons 2026:Building Bright Partnerships”.
Ang nasabing pagkilala para sa tax year 2025 ay natanggap ng MIC sa loob ng wala pang dalawang taon mula nang itatag ang opisina nito sa Taguig noong huling bahagi ng 2024.
Inihayag ni MIC President at Chief Executive Officer Rafael D. Consing Jr. na ang parangal ay patunay na ang korporasyon ay tumatalima sa responsibilidad nito.
Pinasalamatan din ni Consing ang pamahalaang lungsod sa paglikha ng isang maayos na kapaligiran para sa negosyo, sabay giit ng patuloy na suporta ng MIC sa mga strategic governance para sa pambansang kaunlaran.