Kanseladong ang byahe ng ilang mga barko sa ibat-ibang mga sa pantalan sa bansa dahil sa epekto ng Habagat.
Ayon sa Philippine Ports Authority, kabilang dito ang mga biyahe ng barko sa Batangas, Mindoro, Bohol, Palawan, at Western Leyte-Biliran.
Kabilang dito ang byahe ng mga fast craft sa rutang Batangas–Puerto Galera, mga biyahe ng Montenegro Shipping Lines, Starlite Ferries, at lahat ng fast craft vessels sa Port of Calapan.
Kasnelado rin ang biyahe mula Puerto Galera, Abra de Ilog, San Jose, Getafe, Jagna, Culion, Coron, at Maasin.
Nilinaw naman ng Philippine Ports Authority na hindi ito ang nagkakansela ng mga biyahe.
Awtomatikong nakansela ang mga ito kapag nagpatupad ang Philippine Coast Guard ng no sail policy, o kapag nagpasya ang shipping lines na kanselahin ang kanilang biyahe para sa kaligtasan ng mga pasahero. | ulat ni DK Zarate