Lumagda sa kasunduan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pamamagitan ng Social Housing Finance Corporation (SHFC), at ang Advocates of Housing for All (AHA) para palawakin ang pabahay para sa maralitang pamilya.
Isusulong nito ang vertical incremental housing sa ilalim ng Expanded 4PH Program.
Nilagdaan ang kasunduan nitong Lunes nina SHFC President Federico Laxa at AHA Convener Dr. Nathaniel von Einsiedel.
Sa programa, maaaring unti-unting palawakin ng mga benepisyaryo ang kanilang tahanan ayon sa kakayahang pinansyal.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, layunin nitong gawing mas abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay.
Inaasahang sisimulan sa lalong madaling panahon ang pilot project para sa mga maralitang taga-lungsod.