Patuloy na pinalalakas ng Commission on Population and Development (CPD) ang mga programa nito upang maiwasan ang maagang pagbubuntis sa hanay ng mga kabataang Pilipino.
Pahayag ito ni CPD Information Management and Communications Division Chief Mylin Mirasol Quiray, kasunod ng pagtaas ng bilang ng pagbubuntis at live birth sa mga batang edad 10 hanggang 14.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na pinatatatag din nila ang inter-agency technical working group at ipinatutupad ang komprehensibong plano upang mabawasan ang adolescent pregnancy sa 10 years old hanggang 19 years old.
Katuwang din aniya ng kanilang hanay ang Department of Health (DOH) sa pagpapalawak ng mga kampanya tungkol sa responsible parenthood at family planning, kabilang ang pagsasanay sa mga lokal na health service provider.