May sinusundan nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa insidente ng pamamaril sa mag-ina sa Barangay Poblacion, Makati City.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mayroon nang magagandang lead na sinusundan ang pulisya sa kaso.
Aniya, hindi titigil ang PNP hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon at natutukoy ang mga nasa likod ng krimen.
Tinitingnan din ng mga imbestigador ang posibleng gun-for-hire na anggulo at kung may kaugnayan ang trabaho ng biktima sa insidente.
Sinabi ni Nartatez na dating beauty queen sa Mindanao ang nasawing biktima bago nagtrabaho sa Metro Manila.
Matatandaang binaril noong Lunes ng gabi ang 63-anyos na ina at ang 26-anyos na anak sa labas ng isang hotel sa Barangay Poblacion. | ulat ni Diane Lear