Photo courtesy of Presidential Communications Office
Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nasirang bahagi ng Batac Public Market, kasunod ng mapaminsalang sunog na sumira sa pangunahing gusali ng pamilihan noong Hulyo.
Sa kaganapan, sinaksihan ng pangulo ang pamamahagi ng ₱20,000 na tulong sa 128 apektadong stall owners.
Ipinagkaloob din ng pangulo ang ₱150 milyong Local Government Support Fund (LGSF) Special Allotment Release Order para sa rehabilitasyon ng pamilihan.
Bahagi ito sa ganap na suporta ng administrasyon sa pagbangon ng mga apektadong negosyante at manggagawa ng Batac Public Market, kasabay ng pangako na patuloy na pag-alalay, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kabuhayan sa mga apektadong stall owners at paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng mas moderno, mas ligtas, at mas matibay na pampublikong pamilihan.
Pinalalakas ng administrasyon ang mga hakbang sa pagbangon ng mga komunidad sa pamamagitan ng agarang tulong, suporta sa kabuhayan, at pamumuhunan sa mga proyektong magpapasigla sa lokal na ekonomiya at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.