Dahil sa patuloy pa ring pag-ulan dulot ng Habagat at Bagyong Maymay, inanunsyo na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang suspensyon sa trabaho sa mga tanggapan nito simula mamayang alas-12 ng tanghali.
Batay ito sa direktiba ni Mayor Wes Gatchalian dahil sa inaasahang mas malakas na pag-ulan mamayang hapon.
Gayunman, magpapatuloy ang operasyon ng mga tanggapan na nagbibigay ng health services, disaster preparedness at response, at iba pang mahahalagang serbisyo sa publiko.
Samantala, ipinauubaya naman na ng LGU sa pagpapasya ng pamunuan ng mga pribadong kumpanya kung magsususpinde rin sila ng trabaho.
Una na ring sinuspinde kagabi ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa lungsod ngayong Biyernes.