Abala ngayon ang Quezon City LGU sa kaliwa’t kanang waterways clean-up, declogging at clearing operations nito sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, kasunod ng patuloy na pag-ulang dulot ng Habagat na pinalakas ng Tropical Depression Maymay.
Pinangungunahan ang mga operasyon ng QC Department of Sanitation and Cleanup Works at QC Engineering para mapanatiling maayos ang daloy ng tubig sa mga drainage system, maalis ang mga bara at mabawasan ang panganib ng pagbaha.
Kabilang sa mga lugar na target ng operasyon ang P. Tuazon Boulevard, Elliptical Road sa Barangay Central, Tendido at Roxas Street sa Barangay San Jose, G. Araneta Avenue corner Mauban Street sa Barangay Manresa, at Banawe Avenue corner Samat Street sa Barangay Sto. Domingo.
Hinikayat naman ang mga residente na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at pag-iwas sa pagtatapon nito sa mga kanal, drainage, at iba pang daluyan ng tubig.
📸 QC LGU

