Pormal nang inilipat ng Department of National Defense (DND) ng Pilipinas sa bansang Singapore ang Chairship ng ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at ADMM-Plus para sa taong 2027.
Sa isang seremonya sa Lapu-Lapu City sa Cebu, pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang turn-over kay Singapore Defense Minister Chan Chun Sing.
Kabilang sa mga binigay ni Teodoro kay Chan ang ASEAN Direct Communications Infrastructure Key Management System kalakip ang mga dokumento ng Joint Statement ng ASEAN Defence Ministers.
Naniniwala si Teodoro na magpapalakas sa kooperasyon sa hinaharap ng mga ASEAN member states at mga katuwang na bansa ang mga tinalakay sa pormal na pagpupulong at sidelines nito.
Dalawang araw ang itinagal ng ADMM at ADMM-Plus simula noong Miyerkules, October 28 hanggang kahapon, October 29.


