Nanawagan si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez sa mga kritiko, bumabatikos, at sa mga lider ng bansa na pag-aralan muna ang mga benepisyo ng Pax Silica Project bago ito basta ibasura at tuligsain.
Ito ang naging pahayag ng opisyal sa gitna ng mga patutsada at pagkontra sa Pax Silica Project, gayundin ang mga ibinabatong isyu laban sa proyekto.
Kabilang nga sa mga isyung ito ang epekto nito sa kalikasan at ang napaulat na displacement ng mga magsasakang nabigyan ng lupa.
Ani Romualdez, isa ang Pilipinas sa iilang bansa na napili para sa Pax Silica Project, bagay na magiging advantage at malaking bentahe ng bansa para sa iba’t ibang potensyal na investor sa larangan ng artificial intelligence, semiconductors, at critical minerals.
Makatitiyak din na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang maging win-win ang sitwasyon, hindi lang sa ekonomiya ng bansa kundi sa balanseng kinakailangan upang mapangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng mga lokal na residente.