Naniniwala si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na natural lang na hilingin ng Estados Unidos ang extradition ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy bunsod ng mga kasong kinasasangkutan nito sa Amerika.
Ayon kay Romualdez, hindi rin naman biro ang mga kasong pinag-uusapan dito dahil itinuturing ang mga ito na “transnational crime.”
Pahayag pa ng ambassador na umaasa ang Estados Unidos na agad itong maaaksyunan ng Pilipinas upang agad na maipatupad ang extradition.
Pagdating naman sa proseso ng extradition, paglilinaw ni Romualdez na ang tanging papel lang ng Embahada at maging ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay maging mga mensahero na siyang nagpadala ng extradition request sa Department of Justice (DOJ), na siyang magbibigay ng desisyon hinggil dito.
Isang malinaw na hakbang ito na gumagalaw ang batas at kailangan itong maisilbi upang maipatupad ang hustisya.