Sa botong 2-1, pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng prosekusyon na amyendahan ang criminal information at maalis na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan bilang kapwa akusado ni Senador Jinggoy Estrada sa kinahaharap na kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.
Sa desisyon ng Anti-Graft Court, nakasaad na saklaw ng “prosecutorial discretion” ng prosekusyon ang matukoy kung sino ang gagamitin nitong testigo sa kaso.
Una nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hihilingin ng kanilang tanggapan na alisin si Bonoan sa kaso para maging state witness.
Naniniwala ito na mahalaga ang magiging testimonya nito para matukoy at mabunyag ang sistemang nasa likod ng umano’y kickback scheme sa flood control projects.