Photo courtesy of Department of Health
Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH), sa publiko na mag-ingat laban sa leptospirosis kasabay ng patuloy na pag-ulan at banta ng pagbaha dulot ng Habagat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa DOH, tumataas ang panganib ng leptospirosis kapag nalalantad sa maruming tubig-baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop. Ang sakit ay maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at maging sanhi ng pagkamatay kung hindi agad magagamot.
Bilang pag-iingat, pinapayuhan ang publiko na iwasang lumusong sa baha hangga’t maaari. Kung hindi naman ito maiiwasan, agad na maghugas o maligo gamit ang malinis na tubig at sabon matapos malantad sa baha. Mahalaga rin ang agarang pagkonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang payo at gamot kung kinakailangan.
Sa gitna ng patuloy na epekto ng Habagat, hinihikayat ng DOH ang lahat na manatiling alerto at sundin ang mga paalala upang makaiwas sa leptospirosis at iba pang sakit na kaugnay ng baha. Dagdag pa ng ahensya, para sa agarang tulong sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa National Emergency Hotline 911