Snip on Philippine Space Agency
Isinasagawa ngayong araw, Agosto 9, ang Philippine Space Week Exhibit sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2, Araneta City, Quezon City.
Tampok sa aktibidad ang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Diwata-1 at ang naging ambag nito sa Philippine space program at earth observation.
Ilulunsad din ang OpenDronePH initiative para sa paggamit ng drone data sa mapping, disaster risk reduction, at validation ng satellite information.
Kasama rin sa programa ang pagpapakilala sa walong miyembro ng Analog Habitat Waypoint Mission Crew na sasailalim sa human spaceflight research sa Batangas.
Tatalakayin naman ang mga development sa MULA satellite, satellite at rocket technologies, gayundin ang mga oportunidad sa karera sa Philippine space sector. Magtatapos ang programa sa awarding ng Space Law Essay Writing Contest at talakayan tungkol sa kalawakan sa Filipino pop culture.