Sinuspende ng Civil Service Commission (CSC) ang Career Service Examination–Pen and Paper Test para sa Professional at Subprofessional levels na nakatakda ngayong Linggo, August 9.
Apektado ang lahat ng testing centers sa National Capital Region, gayundin ang Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Baguio City, La Trinidad, at Abra.
Ayon sa CSC, ginawa ang suspensyon dahil sa masamang panahon upang matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at examination personnel. Pinayuhan ang mga apektadong examinee na hintayin ang anunsyo ng CSC hinggil sa bagong iskedyul ng pagsusulit sa opisyal nitong communication channels.