Makakatanggap ng eksklusibong ₱500 na diskwento ang mga Quezon City ID (QCID) holder para sa Japan Visa Assistance (Non-Appearance) service ng ITG Travel & Tours. Kasama rin sa promo ang libreng konsultasyon upang matulungan ang mga aplikante sa kanilang visa application.
Layon ng programa na gawing mas abot-kaya at mas magaan ang proseso ng pagkuha ng Japan visa, para mas maraming biyahero ang magkaroon ng pagkakataong maranasan ang paglalakbay sa Japan nang may mas malaking matitipid.
Upang ma-avail ang promo, kailangan lamang na ipakita ang valid QCID. Gayunman, saklaw ito ng ilang terms and conditions, kabilang ang paghihintay sa regular visa processing slot, pagkakaroon ng flexible travel dates o pagbiyahe nang hindi bababa sa tatlong buwan mula sa petsa ng aplikasyon, at pagbabayad ng ₱1,000 non-refundable processing fee bawat tao.
Paalala ng ITG Travel & Tours, ang naturang promo ay valid lamang hanggang November 1, 2026.