Nakatutok ngayon ang Quezon City Local Govenment sa lagay ng nasa 1,456 pamilya o 5,218 indibidwal na inilikas at kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation site dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat.
Pinakamarami ang bilang ng evacuees sa District 2, partikular sa Brgy. Bagong Silangan.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaang lungsod sa mga pansamantalang lumikas.
Regular na namamahagi ang Social Services Development Department (SSDD) ng hot meals, habang nakaantabay naman ang mga health worker ng Quezon City Health Department (QCHD) para matiyak ang kalusugan ng mga evacuee.
Naglaan din ang QCHD ng mga gamot at essential medicines para sa mga bata at matatanda at namahagi rin ng doxycycline sa mga indibidwal na na-expose sa baha.
📸 QC LGU


