Sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development ang tuloy-tuloy na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Luis at Maymay, gayundin ng pinalakas na Habagat.
Mahigit 815 libong pamilya o higit 2.8 milyong indibidwal na ang natulungan ng ahensya sa pamamagitan ng food packs at financial assistance.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ligtas at tuyo ang mga bodega ng ahensya kaya nagpapatuloy ang suplay ng relief goods sa mga apektadong lugar.
Samantala, nadagdagan ang mga pamilyang lumikas sa Benguet dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, habang napilitang magtungo sa evacuation centers ang ilang residente sa Sta. Maria, Bulacan dahil sa pagtaas ng baha.
Batay sa DSWD report, umabot na sa mahigit Php 231.9-milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi sa mga apektadong pamilya hanggang kaninang umaga .
Pinapayuhan ang mga apektadong residente, kabilang ang mga hindi nasa evacuation centers, na makipag-ugnayan sa kanilang local government units para sa maayos na pamamahagi ng ayuda. | ulat ni Rey Ferrer