Photo courtesy of Malabon City Government
Nag-ikot sa ilang evacuation sites si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval para mamahagi ng food packs sa mga pamilyang lumikas dahil sa pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Kabilang sa nakatanggap ng tulong ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa tatlong evacuation centers sa Tinajeros Elementary School, Panghulo Elementary School, at Maysilo Elementary School.
Ang ipinamahaging food packs ay naglalaman ng bigas, noodles, canned goods, kape at inuming tubig para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee habang nasa evacuation centers.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga residente na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa mga awtoridad para matiyak ang kanilang kaligtasan, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.