Umapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan at sa lahat ng Pilipino na magtulungan para masolusyunan ang problema sa basura na nagdudulot ng malaking pinsala.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay makaraang makita ang mistulang dagat ng basura sa bahagi ng Baclaran, Parañaque.
Ayon kay Pangulong Marcos, malinaw na galing ang mga basurang ito sa Kalakhang Maynila na nakapasok sa mga nabuksang kanal, at sinabayan pa ng high tide.
Kaugnay nito’y sinabi ng Pangulong Marcos na tinatrabaho na ang waste-to-energy program.
Ito’y ang pagproseso ng mga basura para gawing kuryente gamit ang teknolohiya.
“Nanawagan kami sa lahat ng involved, ang ating mga local government unit, ang ating lahat ng mamamayang Pilipino, mag-ingat po kayo dahil ang laking pinsala ang nangyayari kapag ang basura natin ay hindi maganda ang pagtapon, kung saan-saan na lang nilalagay,” paalala ng Pangulong Marcos.