Photo courtesy of Philippine News Agency (PNA)
Itinuturing ni Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando na malaking tagumpay para sa mga minimum wage earner ang Administrative Order 264 na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ilalim ng kautusan, ipinag-utos ang buong pagpapatupad at mahigpit na enforcement ng lahat ng aprubadong wage order sa bansa.
Ayon kay San Fernando, malinaw na tugon ito sa panawagan ng mga manggagawa para sa pagpapatupad ng NCR Wage Order No. 27, sa kabila ng temporary restraining order ng Pasig RTC.
Iginiit ng mambabatas na dapat ipatupad sa Metro Manila ang ₱755 daily minimum wage, na dapat umiral mula Hulyo 25.
Inatasan din ng AO 264 ang labor inspectors na magsagawa ng beripikasyon sa payroll at financial records ng mga employer at magpatupad ng sanctions laban sa mga lalabag.
Hinimok naman ni San Fernando ang mga manggagawa na bantayan ang kanilang mga workplace at ireport sa kanila ang anumang hindi pagsunod sa wage orders.