13 electric cooperatives, tinututukan dahil sa epekto ng Bagyong Maymay at Habagat
Aabot sa 13 electric cooperatives (ECs) mula sa 10 probinsya ang patuloy na mino-monitor ng National Electrification Administration (NEA) dahil sa epekto ng magkasunod na bagyo at Habagat.
Ayon sa NEA, apat na ECs—BENECO sa Benguet, ZAMECO II sa Zambales, PELCO II sa Pampanga, at ORMECO sa Oriental Mindoro—ang nakararanas pa rin ng partial power interruptions, habang normal na ang operasyon ng siyam na iba pang ECs.
Naibalik na rin ang kuryente sa lahat ng 158 apektadong munisipalidad, habang nagpapatuloy ang restoration efforts para sa 32,173 consumer connections na wala pa ring suplay ng kuryente.