Mainit na tinanggap sa Malacañang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si French Ambassador H.E. Marie Fontane sa Farewell Call.
Sumasalamin ito sa pagtatapos ng produktibong Tour of Duty ng ambahador sa Pilipinas.
Sa kaganapan, kinilala ng Pangulo ang malaking papel na ginampanan ng ambahador sa pagpapatatag pa ng pagkakaibigan ng Pilipinas at France.
Samantala, sa kaparehong araw, tinanggap din ng Pangulo sa Palasyo si US Undersecretary of War for Policy Elbridge Colby at Assistant Secretary of War for Indo-Pacific Security Affairs John Noh, para sa isang Courtesy Call.