Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang conversion ng Abra State Institute of Sciences and Technology (ASIST) bilang University of Abra.
Dahil dito, ito ang magiging kauna-unahang state university sa Lalawigan ng Abra.
Ayon sa CHED, natugunan ng ASIST ang lahat ng pamantayan para maging isang unibersidad matapos ang isinagawang pagsusuri at pagtalima sa mga kinakailangang rekisito.
Inaasahang mapapalawak pa ng University of Abra ang mga programa nito sa pagtuturo, pananaliksik, at serbisyo sa komunidad.
Tiniyak naman ng CHED ang patuloy nitong suporta upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon at mas marami pang mag-aaral ang makinabang.