Sisimulan na ng Kamara ang proseso ng pagtalakay sa panukalang ₱7.2-trillion 2027 national budget.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson Mikaela Suansing, magsisimula ang DBCC process sa August 17, kasunod ang committee hearings at budget briefings hanggang September 8.
Target ng Kamara na maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang House General Appropriations Bill (HGAB) pagsapit ng October 9, bago matapos ang legislative calendar.
Kasabay nito, ipagpapatuloy ng Kamara ang mga reporma para maging mas bukas at transparent ang proseso ng pagbuo ng budget.
Kabilang dito ang live streaming ng deliberasyon ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARC), na isasagawa kasabay ng budget deliberations, committee hearings at plenary debates.
Ipagpapatuloy rin ang People’s Budget Review at palalakasin ang pakikipag-ugnayan sa civil society organizations, kabilang ang mas malapit na koordinasyon ng mga CSO sa mga vice chairperson ng Appropriations Committee.