Isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow alert ang Visayas Grid, ngayong araw
Ito ayon sa NGCP ay dahil sa nananatiling manipis na suplay ng kuryente sa naturang lugar
Batay sa abiso ng transmission company, iiral ang Red alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Subalit bago at matapos nito ay paiiralin naman ang Yellow alert mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon at alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.
Nabatid na anim na planta sa Visayas ang palyado habang 14 naman ang tumatakbo subalit kulang pa rin sa kapasidad.
Samantala, isasailalim din sa Yellow alert ang Mindanao Grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Siyam na planta rito ang palyado habang siyam din ang tumatakbo subalit kapos sa suplay ng kuryente.