Umabotsa 240,972 examinees ang kumuha ng Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) noong August 9.
Ayon sa Civil Service Commission, katumbas ito ng 89.76 percent na nationwide turnout.
Inaasahang ilalabas ang resulta ng Career Service Examination sa o bago ang Oktubre 12, 2026.
Pinapayuhan naman ng CSC ang mga apektadong examinee na bantayan ang mga opisyal na anunsyo para sa bagong iskedyul ng pagsusulit.
Nauna nang ipinagpaliban ng CSC ang pagsusulit sa ilang testing centers dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat.
Kabilang sa mga naapektuhan ang lahat ng testing centers sa National Capital Region, gayundin ang Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa Region IV-A.
Sinuspinde rin ang pagsusulit sa Baguio City, La Trinidad, at Abra sa Cordillera Administrative Region. | ulat ni Rey Ferrer