Inaprubahan ng House Committee on Energy ang unnumbered substitute bill na magtatatag ng Philippine Strategic Petroleum Reserve o PSPR System.
Ito ang magsisilbing buffer ng bansa kapag nagkaroon ng pagkaantala sa suplay ng langis, matinding pagtaas-baba ng presyo, kalamidad, geopolitical conflict at iba pang emergency.
Ayon kay Committee Vice-Chairperson at Murang Kuryente Party-list Rep. Arthur Yap, mahalaga ang reserve dahil nakadepende ang Pilipinas sa imported crude oil at petroleum products.
Sinabi ni Yap na government-owned petroleum stocks ang PSPR na gagamitin lamang sa panahon ng supply disruption o severe oil price volatility.
Apat na pagpupulong ang isinagawa ng komite upang masuri ang technical, operational, financial at policy implications ng panukala, kasama ang PNOC at mga stakeholder sa oil at LPG industry.
Layunin nitong palakasin ang energy security ng bansa habang pinananatili ang competitive at deregulated na downstream oil industry. Kapag naisabatas, aamyendahan ng panukala ang Republic Act 9513 o Renewable Energy Act of 2008.