Pinaigting ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbabantay sa pagbabayad ng buwis mula sa bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sa ilalim ng bagong regulasyon, itinalaga ang Independent Electricity Market Operator of the Philippines ( IEMOP)
bilang ahensiyang responsable sa pagkaltas at pagre-remit ng buwis sa mga transaksiyon sa pamilihan ng kuryente.
Kabilang dito ang 2% creditable withholding tax na ibabawas sa kabuuang bayad sa mga power generation company at iba pang market participants.
Inaatasan din ang IEMOP na isumite sa BIR ang nakolektang buwis at mga kinakailangang ulat, gayundin ang mag-isyu ng kaukulang tax certificate.
Ayon sa BIR, layunin nitong matiyak na maayos na naitatala at naipapasa sa pamahalaan ang mga buwis mula sa bentahan ng kuryente.
Ang regulasyon ay nilagdaan ni Finance Secretary Frederick Go, sa rekomendasyon ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza.