Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo ang huling pagbasa ang panukalang batas na magre-revise sa umiiral na batas ng Philippine Coast Guard (PCG) para palakasin ang kakayahan, organisasyon at kapangyarihan nito, partikular sa pagharap sa mga hamon sa West Philippine Sea (WPS).
Unanimously na inaprubahan ng mga senador ang Senate Bill No. 2116 o Revised Philippine Coast Guard Law.
Papalitan ng panukala ang Republic Act No. 9993 o Philippine Coast Guard Law of 2009 at magtatatag ng mas malinaw na organizational structure para sa maritime safety, environmental protection, at maritime security law enforcement.
Palalawakin din ang operational authority ng PCG, kabilang ang pagtugon sa maritime threats at pakikipagkasundo sa ibang bansa para sa modernong kagamitan.
Samantala, itataas at iaayon din ang base pay ng mga opisyal ng PCG sa katumbas na ranggo sa AFP at PNP, habang itatatag din ang Philippine Coast Guard Academy at Internal Affairs Service.
Ayon kay Tulfo, nararapat lamang na mabigyan ng sapat na proteksyon, tamang sahod at pagkilala ang mga Coast Guard personnel na patuloy na nagsasakripisyo para sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion