Matagumpay na naipamahagi ang kabuuang ₱100,000 na financial assistance mula sa Presidential Scholarship sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa limang napiling benepisyaryo sa Barangay Tumpa, Camalig, Albay.
Pinangunahan ni Punong Barangay Pablo Solano, kasama ang barangay council, barangay treasurer, at barangay secretary ang pamamahagi kung saan ang bawat iskolar ay tumanggap ng ₱20,000 upang gamitin sa tuition fees, school supplies, pamasahe, at iba pang kinakailangang gastusin sa pag-aaral.
Isinagawa ng Barangay Council ang masusing proseso ng pagpili sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa mga karapat-dapat na indigent student, partikular na ang mga pamilyang wala pang nakapagtatapos ng kolehiyo.
Upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng programa, opisyal na nilagdaan ng mga iskolar ang oath of undertaking kasama ang kanilang mga magulang na dumaan sa ginanap na orientation para sa pagtalima sa mga alituntunin at responsibilidad ng nasabing scholarship.
📸 Barangay Tumpa, Camalig, Albay