Binigyang diin ng Malacañang ang pangangailangan ng malinaw at angkop na liquidation ng bawas ginagastos na pondo ng taombayan, kahit pa confidential funds.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, matapos hingan ng reaksiyon sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Castro, kailangang maipakita ang mga dokumento at resibo ng bawat gastos.
Sa oras na mayroong red flag sa pagsusuri ang Commission on Audit (COA).
Muling kinwestyon ni Castro kung bakit umabot sa PhP125 million ang nagastos na pondo ng OVP, sa loob lamang ng 11 araw.
Aniya, dapat gamitin ang confidential funds para lamang sa lehitimong proyekto o programa ng isang ahensiya.
Aniya, hindi dapat gamitin ang naturang pondo para sa personal na seguridad dahil mayroong nakatalagang proteksiyon mula sa AFP at PNP para kay VP Sara. | ulat ni Racquel Bayan