Maagap na nagkasa ng flushing at clearing operations ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina matapos ang pagbahang idinulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng habagat at nagdaang mga bagyo.
Partikular na nilinis ng LGU ang River Park lalo na ang mga iniwang putik at iba pang debris matapos umapaw ang ilog.
Kanina, inikutan ng Radyo Pilipinas ang Marikina River Park at normal ang sitwasyon kung saan, balik na ang mga nag-eehersisyo habang may iba naman na nagtitinda na sa gilid ng ilog.
Samantala, nalinis na rin ang mga daanan para matiyak ang maayos at ligtas na kondisyon ang mga pampublikong daanan.
Sa ngayon, nasa normal level o walang alarm ang ilog sa kabila ng mga pag ulan sa nakalipas na magdamag.