Inaasahang mapabubuti ng panukalang memorandum circular ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang serbisyo at kaligtasan ng mga barkong rehistrado sa Pilipinas na naglalayag sa karagatan ng bansa.
Saklaw ng panukala ang pagsunod sa mga alituntunin, operasyon, at risk-based enforcement para sa mas ligtas at maayos na domestic maritime operations.
Ayon kay Alkim Inter Island Water Transport Services Representative Miles Vidas, magsisilbi itong gabay sa mga shipping operator upang mapahusay ang serbisyo at matiyak ang pagsunod sa mga regulasyon.
Binigyang-diin naman ni Zamboanga Golden Dragon Shipping Corporation Representative Angie Campaner ang kahalagahan ng bukas na konsultasyon ng MARINA sa mga sektor ng industriya bago ipatupad ang panukala.