Nanawagan ang ilang mambabatas sa Ombudsman at maging sa Sandiganbayan na siyasatin ang alegasyon tungkol sa umano’y “leadership fund” sa Kongreso.
Ayon kay House Committee on Public Accounts Chair Terry Ridon, dapat munang beripikahin kung mayroon talagang naturang pondo at kung mapatunayang umiiral ito, alamin kung ano ang mga line item nito, at kung paano ito ipinatupad.
Kasunod ito ng salaysay ni dating DWPH Secretary Manny Bonoan hinggil sa umano’y leadership fund para sa mga mambabatas.
Iginiit din ni Ridon, na dapat siyasatin kung ang mga pondong nakalaan sa mga proyekto ay aktuwal na naipatupad at kung maayos ang implementasyon ng mga ito.
Kabilang sa dapat tingnan, ang posibilidad ng ghost projects o mga proyektong hindi sapat o substandard ang pagkakagawa.