Nakatanggap ng tig-10 kilo ng PBBM rice ang 379 bangkero at motorboat operators mula sa mga island barangay ng Dagupan City bilang ayuda matapos maapektuhan ng pagbaha ang kanilang kabuhayan.
Kabilang sa mga nabigyan ang mga operator na pansamantalang hindi makapagtrabaho dahil sa kondisyon sa kanilang mga lugar at pagbaba ng kanilang kita.
Inaasahang makatutulong ang bigas sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya habang patuloy na inaayos ang mga epekto ng pagbaha sa lungsod.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa tulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Chief Ronald De Guzman at ng Dagupan City Police Office.
Nagpasalamat naman si Mayor Belen Fernandez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa PBBM rice na inilaan para sa mga Dagupeñong naapektuhan ng kalamidad.
📸 Mayor Belen Fernandez FB